Sunday, May 31, 2009

Sa tatlo at may limang dipang silid


Sa tatlo at may limang dipang silid
ni Amos Tarana
Bahay silungan,
bahay pahingahan kung ituring.
Silungan sa init,
kumot sa lamig,
himlayan ng katawang
sala sa init, sala sa lamig.

Puno ng gamit, lima ang kabinet,
may mga malalaking bag at karton,
isang telebisyon,
dalawang refrigerator
at apat na kamang double deck.
Dagdag pa ang mga abubot
at personal na gamit.

Labing isa ang nanunuluyan,
may mga mag-aasawa at magkakaibigan,
lima ang mga babae,
anim ang mga lalake – nagsisiksikan,
tabi-tabi sa higaan.
Nag-uunahan – bawal ang mabagal
sa nag-iisang palikuran.

Maliit man ang silid,
malalaki man ang mga gamit,
walang magagawa
kahit mukha’y magkapalit-palit.
Kailangan lang magkasya
ang kakarampot na kita
[para pang-ambag sa upa]
at nang sa ’pinas ay may maiuwi pa.



Al Satwa, Dubai, UAE

Agosto 2008

2 comments:

  1. ganda ng tula mo Amos..yan ba accomodation niyo?

    Ilyana..

    ReplyDelete
  2. dito nga po ako kasalukyang nakatira...pero maayos na ito kumpara sa silungan ng iba pa nating kababayan...mas maliit, mas siksikan...

    salamat po sa pagbabasa at mabuhay po kayo!

    - amos

    ReplyDelete