Monday, June 1, 2009

Sa Likod ng Kurtinang Dingding


Sa Likod ng Kurtinang Dingding
ni Amos Tarana

Walang ibang saksi sa iyong
matagal nang pighati, pagdurusang
mabigat, mga luha at hinagpis.

Itago man sa mga kasama,
ang mga bakas ng pait, kahit pa
mga karanasang malulupit.

Maging tampuhang mabibigat,
namumuyos na galit – tampok sa
pag-iibigang away-bati.

Hindi rin maitatanggi, mga maiinit
na halik, yakap na kay higpit --
na nauuwi sa matahimik na pagniniig.

Pagkakasya ng sahod, na pambayad
sa utang, pampadala sa ‘pinas, at pambili
ng personal na pangangailangan.

Mga pag-asang pumanaw, pangarap na
nanakaw, pangakong napako, at panalanging
ibinubulong sa paniniwalang matutupad.

Wala na ngang ibang saksi, hindi na
maikukubli: nakikita, naririnig,
nananatili, itinatago, pinakaiingatan…

Ng kulay kupas, malambot, at magaang
na ‘Kurtina’ sa iyong kama. Na kung saan
ikaw ay nananatiling nakakubli.




26 Agosto 2008
Al Satwa, Dubai, UAE

2 comments:

  1. Naniniwala ako, kuya, sa likod ng Kurtina, mayroong matatag at mapagmahal na Juan para sa kaniyang pamilyang matiyagang naghihintay...

    ReplyDelete
  2. hello donna, kumusta? nasa US ka na ba ulit? salamat sa pagbabasa ng mga munting karanasan namin dito sa uae.

    tama ka, maraming juan pa rin dito ang nanatiling mapagmahal at matiyaga alang-alang sa mga mahal sa buhay sa pinas.

    pakipaabot na lang ng aking pangungumusta sa mga taga-de la salle lipa lalo kay br.mawel.

    amos

    ReplyDelete