Saturday, August 1, 2009

Tanong Lang


Tanong Lang
Ni Amos Tarana


16 bilyong dolyar nami’y nasaan na?
Halagang ipinadala
upang pagapang na ekonomiya’y
maisalba.
Pera itong pinagsikapan
ng mga abogadang
namasukan bilang sekretarya,
ng mga summa cum laude
na sa Dubai Mall
naging tindera,
ng mga guro
na sa arabong restawran
ay naging serbedora
at ng mga unico hijang
natutong magputa.
Punyeta!
Baka naman padala nami’y
naibulsa na.
Diyos ko po!
Huwag naman sana.



Deira, Dubai, UAE
Ika-30 Hulyo 2009


1 comment:

  1. maiyaa - kish_matchboxAugust 5, 2009 at 4:50 PM

    naku wag naman sana...korek po kayo dyan maraming kababayan natin ang ganyan. nagkakadahirap makatapos lang ng pag-aaral para magkaroon ng maginhawang buhay ngunit bandang huli alipin pa rin ang kakalagyan. tanong....hanggang kelan pa kaya ito? Sana matapos na. Kung kaya natin ang mga nangyayari na 'to, siguro nga kaya pa rin ng mga susunod na henerasyon. pero nakakalungkot at mas masakit kung pati anak at apo mo na eh mararanasan pa rin ang hirap na ito.

    ReplyDelete