Sunday, February 14, 2010
Bakit Masarap Manatili sa Dubai?
Bakit Masarap Manatili sa Dubai?
Masarap manatili sa Dubai. Oo, ibang klase talaga!
Hindi dahil sa naririto ang pinakamatayog na Burj Khalifa.
Hindi rin dahil sa ginintuang Burj Al Arab o sa Atlantis ng Palm Jumeirah.
Pawang mga gusaling palamuti lamang ito sa bansang walang likas na ganda.
Masarap manatili sa Dubai. Oo, wala na akong hahanapin pa!
Ngunit hindi dahil sa halos lahat ng gustuhin ko'y naririto na.
Kahit sabihin mang gasolina rito ay mura at bilihi'y masasabing abot kaya.
'Di pa rin maitatago na ang manirahan dito ay magastos, mababaon lang sa dusa.
Masarap manatili sa Dubai. Oo, giginhawa kang talaga!
Pero saglit lang, hindi ito dahil sa Dirhamong kinikita.
Mga amo kaya rito'y siga – kung 'di man palasigaw ay tunay na palamura.
Kaya mga kabayan ay palipatlipat ng trabaho at sa pagpapart-time ay sugapa.
Masarap manatili sa Dubai. Oo na't aaminin ko na…
Dahil sa ibang klase ang ligaya kapag ikaw ang aking kasama.
Wala nang ibang hahanapin pa lalo na't sa mga mata ko'y ikaw ang nakikita.
Masarap manatili sa Dubai hanggat ikaw ang aking kapiling sa hirap at ginhawa.
14 Pebrero 2010
Al Satwa, Dubai, UAE
Tungkol sa
anibersaryo,
araw ng mga puso,
dubai,
ofw
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
"Gravitation can not be held responsible for people falling in love" (Albert Einstein)
ReplyDeleteHappy Puso Day!!!
happy puso day din kapatid! sana ay kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay lalo na't sa mga mamahaling araw katulad ng sa ganito.
ReplyDeletesalamat sa pagbabasa
hi, ngayon lng ako nakadaan dito pero masasabi kong isa kang makata, parang si balagtas humirit ng mga linya. mamalagi ako sa Dubai este dito sa site mo, ex links po ha.
ReplyDeletesalamat sa pagbabasa yellow bells...at sa papuri.
ReplyDeletedito ka rin pala sa dubai. eh 'di alam mo kung gaano kasarap manatili rito ano?