Sunday, February 6, 2011

Takbo para kay Kabayan


Takbo para kay Kabayan
ni Amos Tarana


Takbo. Kabayan, takbo!
Sagipin ang kabayang
naghihingalo.

Dugtungan, dugtungan
buhay ng kabayang
ipinagsapalaran sa dirhamo.

Takbo. Kabayan, takbo!
Imulat ang kabayang
bulag sa katotohanan ng mundo.

Paunlarin, paunlarin
kaisipan ng kabayang
sa pakikibaka'y atrasado.

Takbo. kabayan, takbo!
Palayain ang kabayang
sa POLO-OWWA nakakandado.

Paginhawain, paginhawain
katawan ng kabayang
bugbog sa pagmamaltrato.

Takbo. Kabayan, takbo!
Tumakbo para sa kabayang
pinagkaitan ng karapatang pantao.

Huwag titigil, huwag titigil
hanggat ang karamihan ay manhid
sa pagpapahirap ng tao sa tao.

Takbo. Kabayan, takbo!



21 Enero 2011
Deira, Dubai, UAE

2 comments:

  1. Hello Amos,
    papaano ba ako makapagmember sa the filipino runners uae? my first 5k was at the first womens marathon dubai last November, I want to continue my training and running. Sali ako.

    ReplyDelete
  2. kapatid, salamat po sa kagustuhan mong sumali sa filipino runners uae, sali rin po sana kayo sa migrante - magkapatid na organisasyon naman ito. tawag po kayo sa akin sa 050-7846400.

    ReplyDelete