Monday, April 25, 2011

Kayo ang Boss Ko


Kayo ang Boss Ko
ni Amos Tarana


Nupos ang mga kandilang
sinindihan ng mga pag-asa

matapos mapabalitang:
3 Filipinos Executed in China.

Ang winikang "Kayo ang Boss ko"
nabulgar na walang bisa.

Nauntog na naman ang ulo
ng sambayanang dukha;

sa pambobola ng pangulo
ipis na lang ang maniniwala.



30 Marso 2011
Deira, Dubai, UAE


1 comment:

  1. ano kaya ang nasa isip nya nung binigkas nya ang salitang 'kayo ang boss ko' -literal-

    ReplyDelete