Thursday, June 9, 2011

Kumakain ako ng shawarma habang binabaril nila si Osama


Kumakain ako ng shawarma habang binabaril nila si Osama
ni Amos Tarana


Kumakain ako ng shawarma
sa isang tindahan sa Deira
noong oras na binabaril
ng mga sundalong Amerikano
ang pinuno ng Al-Qaida.

3 dirhams lang ang shawarma
kumpara sa 15 dirhams
na pinakamurang value meal
sa Burger King at Mc Do
na pag-aari ng mga kapitalista.

Ngayong patay na si Osama
at ilan sa kanyang mga guwardiya,
kakayanin ko na kayang
talikuran ang shawarma?
Makakapaglakas-loob na rin kaya
na sa Burger King at Mc Do
tumikim ng pangmeryenda?

Hay naku, wala na nga si Osama,
ngunit nananatili pa ring shawarma
itong kinakaya ng aking bulsa.




28 Mayo 2011
Deira, Dubai, United Arab Emirates 

2 comments:

  1. Patay na si obama at buhay na buhay ang walang awang patubo ng mga kapitalista. mabuhay ka kaibigan salamat sa tula!

    ReplyDelete
  2. hello Amos. ako rin ay taga deira. gustong gusto ko na makabasa ng mga tula at articles in filipino. para sa akin mas makahulugan at malalim. mahilig din akong magsulat kagaya mo. mahusay ka. ;)

    ReplyDelete