Monday, April 25, 2011
Kayo ang Boss Ko
Kayo ang Boss Ko
ni Amos Tarana
Nupos ang mga kandilang
sinindihan ng mga pag-asa
matapos mapabalitang:
3 Filipinos Executed in China.
Ang winikang "Kayo ang Boss ko"
nabulgar na walang bisa.
Nauntog na naman ang ulo
ng sambayanang dukha;
sa pambobola ng pangulo
ipis na lang ang maniniwala.
30 Marso 2011
Deira, Dubai, UAE
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ano kaya ang nasa isip nya nung binigkas nya ang salitang 'kayo ang boss ko' -literal-
ReplyDelete