ISTRANDED
(Ilang tagpo sa buhay ng pinoy sa pag-exit sa Iran – Part 1)
ni Amos Tarana
(Ilang tagpo sa buhay ng pinoy sa pag-exit sa Iran – Part 1)
ni Amos Tarana
Inihanda ni Kabayan
ang ilang pirasong damit
kaunting pagkain --
pambaon sa kanyang
pag-exit sa bansang Iran.
Upang visit visa
ay mapapalitan
at nang pananatili sa Dubai
ay madugtungan.
Isa, dalawa, tatlo, apat
sanay huwag umabot
ng limang araw
ang pananatili ko sa Iran.
Kaunti lang kasi
ang dala kong Dirham.
Baka kulangin
Sa pambili ng pagkain
at pambayad sa tutuluyan.
Mula sa Dubai airport
ay sumakay si kabayan
sa eroplanong may dadalawang elisi,
singlaki lang ng bus
at mahigit kumulang singkuwenta
katao lamang ang maaaring ilulan.
Diyos ko, hindi pa sana ito
ang aking katapusan.
Ngunit bakit sa himpapawid
umuuga, lumilindol
ang eroplanong sinasakyan.
Makarating nawa
Ng kumpleto at buhay
sa bansang nais puntahan.
Sa Iran ay mga punuang hotel
ang kanyang dinatnan.
Walang kuwarto
ang maaring agad na matuluyan.
Kaya kailangan munang maghintay
ng ilan pang oras
sakaling may kamang mababakante
para mapagpahingahan.
Kung sa Pilipinas
sobra na ang populasyon,
ganun din pala
ang kalagayan dito sa Iran.
Maraming istranded
na kababayan sa mga hotel,
sa isang kuwarto nagsisiksikan.
Sana’y mayroon nang makaalis
upang maihimlay na
Ang pagod na katawan..
Malungkot ang dinatnang lupain sa Iran.
Mas malawak ang disyerto
kaysa sa mga kabahayan.
Tabing dagat at maliliit
na malls lang ang maaaring pasyalan.
Kanin ay maanta
Sa handang ulam sa restawran
ay siguradong ikaw ay magsasawa.
Wala na bang ibang pang-ulam?
Wala na ngang ibang
pagpipilian pa.
Nangangati na ako
pero walang magagawa
hindi puwede ang ulam na baboy
kaya sa ulam na manok
ay kailangang magtiyaga,
hindi puwedeng magsawa.
Dahil sa paghihigpit
ng pamahalaang UAE,
visa ng mga kabayan ay naaantala.
Kaya karamihan ay inaabot
na ng isa o dalawang buwan.
Aplikasyon sa Visa ay narereject
tuloy butas ang bulsa ng mga kabayan,
kawawa naman.
Narinig kong karamihan
ay wala nang pera
para pambayad sa hotel
at pambili ng pagkain.
Nabaon na sa utang,
cell phone at gamit ay naibenta na.
Wala nang ibang maasahan
kaya pati katawan
ay ikinakalakal na.
Hanggang kailan kaya
ang gagawing pagdurusa
at sa Visa ay paghihintay.
Bakit ang pamahalaang pinas,
mga bayani niya ay pinababayaan,
walang malasakit, walang pakialam.
Sana bukas o mamaya,
visa ni kabayan, kanya nang makamtan.
Kish Island, Iran
30 Setyembre 2008
MGA KABABAYAN KO NA NASA KISH SALODO PO AKO SA INYO KAYO PO ANG TUNAY NA BAYANI.SANA SA DARATING NA ELEKSYON MA BAGO NA PO SANA ANG ATING GOBYERNO PARA TULAD NYO NGA OFW MAKAKA UWI NA RITO AT MAY SAPAT NA TRABAHO NA NAGHIHINTAY SA INYO.
ReplyDeleteHABANG BINABASA KO PO ITO DINUDUROG PO ANG PUSO KO SA MGA KAPWA KO PILIPINO.SANA KNG MAY MAGAGAWA LANG AKO ISA NA PO AKO NA TUTULONG SA INYO KASO AKOY ISANG ORDINARYONG MAMAYAN LAMANG.
SALODO PO AKO SA INYO LAHAT.KAYO PO ANG TUNAY NA BAYANI.