Tuesday, June 30, 2009

Pag-ibig na Nagbibigay Buhay


Pag-ibig na Nagbibigay Buhay
Ni Amos Tarana


Anong timyas ng pag-ibig kung ito’y katulad ng sa haring araw. Mainit, umaapoy at tunay na nagbibigay buhay. Liwanag nito’y nagbibigay tanglaw sa bawat pusong anino ay lumbay. Mapusok at walang takot na sinisisid ang lalim ng sintang dagat kahit na ikapapahamak.

Ang bagong bayani kung umibig ay walang humpay. Lumalagablab at sa mga minamahal ay nagbibigay buhay. Sa mga pangarap ng mga kaanak at buong sambayanan ay nagbibigay katuparan. Buong buhay man ay iaalay kahit na lunurin ng lungkot o kaya’y mabulid sa kamatayan.

Pag-ibig ng bagong bayani ay katulad ng sa haring araw. Nagbibigay ginhawa sa sambayanang naghihirap at pinahihirapan. Buo ang loob at walang takot sa pakikipagsapalaran. Ilang dagat man ay tatawirin makapag-uwi lang ng Dirham.


21 Disyembre 2008
Kish Island, Iran


4 comments:

  1. Amos,

    Thnak you for this PEBA ENTRY, it is a short poem, but it is definitely straight from the heart and full of realities.

    Goodluck to you. A PEBA Representative will assess and help you to qualify this entry.

    In behalf of PEBA, salamat, thank you and shokran!

    ReplyDelete
  2. Wow naman nakakatats ang tula, talagang makabayan.

    Welcome to KABLOGS at PEBA.

    Mabuhay ang Lahing Kayumanggi.

    A blessed evening.

    ReplyDelete
  3. Akala ko noo'y isa ka lamang sikolohista.....ngayo'y pumapaimbulog na rin pala sa mga mundo ng mga makata.......mabuhay ka kapatid sa paglilinaw ng tunay na kalagayan ng ating mga kababayan diyan sa ibayong bayan...isa itong napakamakatotohanang artikulo! kongrats!!!!!!!hehehe sabel.com

    ReplyDelete
  4. Maiyaa - kish matchboxJuly 11, 2009 at 2:29 PM

    Well done Amos Tarana, excellent!!!! saludo po talaga ako sa talento nyo na walang kasing galing sa pagsulat. nakakatuwang malaman na may mga tao tulad mo na nakikita ang totong damdamin at nangyayari sa mga kabayan natin na nangingibangbansa para lang kumita. Sana po di kayo magsawang sumulat pa ng mga ganitong artikulo. Mabuhay ka.....

    ReplyDelete